ISA ang patay makaraang bumangga ang minamanehong sasakyan sa naka-park na trailer truck sa Tondo, Maynila.
Nakaparada sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd. ang 14-wheeler truck ng bumangga sa likuran nito ang isang Multi-Purpose Vehicle (MPV).
ALSO READ:
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
NCRPO, walang namo-monitor na anumang banta para sa anibersaryo ng EDSA People Power sa Feb. 25
4 na critically endangered na uri ng amphibian, nailigtas sa Malabon
Pagpapatupad ng Tap-To-Pay services sa LRT, mauurong sa susunod na buwan
Wasak ang unahang bahagi ng Mitsubishi Xpander Cross na may Plakang NGX 5776.
Inabot ng mahigit 3-oras bago nailabas ang katawan ng biktima mula sa nawasak na sasakyan.
Ayon sa driver ng trailer truck na si Jhomar, nakahinto siya sa bahagi ng center island nang bigla na lamang may bumangga sa kaniyang likuran.
Nasa kostodiya ng MPD Traffic ang driver ng truck para sa imbestigasyon.
