ILANG buwan matapos tanghalin ang Filipino Singer na si Sofronio Vasquez bilang champion sa The Voice USA, isa pang pinoy ang nabigyan ng oportunidad sa naturang kompetisyon.
Inawit ni Jessica Manalo, isang pinay na naka-base sa Las Vegas, ang “Unholy” ni Sam Smith sa blind auditions ng 27th season ng The Voice USA.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa sneak peek na in-upload ng NBC online, inikutan si Manalo ng dalawang coaches na sina Michael Buble at Kelsea Ballerini.
Hindi pa ipinalalabas ang naturang episode na ang ibig sabihin ay nananatiling misteryo kung sino sa dalawang coaches ang pinili ng pinay singer.
Sa kanyang instagram account, idineklara ni Manalo ang kanyang pagiging filipina na sinamahan pa niya ng Philippine flag emoji.
