KINONDENA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa na namang mapanganib na hakbang ng China kamakailan na kinasangkutan ng air force nito sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc na naglagay sa panganib sa buhay ng Philippine Air Force personnel.
Sa statement, tinawag ng Presidential Communications Office (PCO) ang hakbang ng People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) na “unjustified, illegal at reckless.”
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Sa harap ng pangamba tungkol sa posibleng “instability” sa airspace ng Pilipinas, hinimok ng palasyo ang China na magpakita ng mga responsableng hakbang sa karagatan at himpapawid.
Nakasaad din sa statement na nasimulan na nga nilang pakalmahin ang karagatan subalit nakababahala naman ang kawalan ng katiyakan sa sarili nating airspace.
Tiniyak ng Malakanyang na mananatiling tapat ang Pilipinas sa diplomasya at sa mapayapang paraan upang maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan sa pinagtatalunang teritoryo.
