Isa ang kumpirmadong patay matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Caloocan City.
Dakong alas tres ng madaling araw, kahapon nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa 4th Avenue, sa Barangay 118.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Caloocan, nasa limampung pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Tinaya naman ng arson investigators sa dalawandaan libong piso ang halaga ng pinsala ng sunog na inaalam pa ang pinagmulan.
