NASAWI si Iranian President Ebrahim Raisi at kanyang Foreign Minister nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa bulubunduking lugar sa gitna ng nagyeyelong klima.
Kinumpirma ito ng Senior Iranian Official na tumangging magpabanggit ng pangalan, makaraang matagpuan ng search teams ang wreckage sa East Azerbaijan Province.
ALSO READ:
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Iran, ipinagpaliban ang funeral ceremony para sa nasawing supreme leader dahil sa patuloy na pambobomba sa bansa
Ayon sa opisyal, patay ang lahat ng pasahero ng bumagsak na helicopter.
Una nang napaulat na nasunog ang buong katawan nina President Raisi at Foreign Minister Hossein Amirabdollahian bunsod ng naturang trahedya.
