INANUNSYO ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na hindi magpapa-bully ang Iran sa mga negosasyon.
Ginawa ng Iranian Leader ang pahayag, isang araw matapos sabihin ni US President Donald Trump na nagpadala siya ng sulat sa Tehran para himukin na pumasok sa nuclear deal.
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Sa interview, inihayag ni Trump na mayroong dalawang paraan para mahawakan ang Iran at ito ay sa pamamagitan ng militar o makipag-deal para mapigilan ang Tehran na makapag-acquire ng nuclear weapons.
Sa pulong kasama ang Senior Iranian Officials, sinabi ni Khamenei na ang layunin ng Washington ay magpatupad ng sariling kagustuhan. Idinagdag ni Khamenei na ang pambu-bully sa mga negosasyon ay hindi makareresolba ng mga problema, kasabay ng pagtiyak na hindi sila magpapadala sa expectations ng US
