13 October 2025
Calbayog City
Tech

iPhone 17 Series ng Apple, Papasok na: Mas Manipis, Mas Mabilis, at Mas Makulay!

iphone 17
Unofficial Renders

Inihahanda na ng Apple ang pinakabagong iPhone 17 series na inaasahang ilalabas ngayong September 2025. Ayon sa mga lumabas na ulat, magdadala ang bagong series ng mga pagbabago sa design, performance, at camera technology na siguradong ikatutuwa ng mga Apple fans.

Mas Slim at Magaan na Design
Ipinakilala ang bagong model na iPhone 17 Air, ang pinakamanipis na iPhone sa kasaysayan — aabot lamang sa 5.5mm ang kapal nito. Bukod dito, may inaasahan ding bagong design sa camera module ng Pro models, kung saan ilalagay ito sa isang pahalang na “camera bar,” katulad ng design ng Pixel phones ng Google.

ProMotion sa lahat ng Models
Magkakaroon na ang lahat ng iPhone 17 models ng LTPO OLED display na may ProMotion technology — ibig sabihin, mas makinis ang scrolling at mas matipid sa battery.

Dagdag pa rito, magkakaroon din ng bagong “super-hard” anti-reflective display layer para sa mas matibay at hindi gasgasin na screen.

Revolution sa Camera Features
Ang lahat ng iPhone 17 models ay magkakaroon ng 24MP front camera para sa mas malinaw na selfies at video calls. Sa mga Pro models naman, aasahan ang 48MP telephoto lens para sa mas detalyado at malinaw na zoom shots.

Mas Stable at Mabilis na Performance
Papalakasin ang iPhone 17 ng bagong A19 at A19 Pro chips gamit ang 3nm technology ng TSMC, kaya’t aasahan ang mas mabilis na processing at mas matagal ang battery. Ang Pro models ay magkakaroon din ng 12GB RAM, mas mataas kumpara sa nakaraang generation.

Bukod pa rito, inaasahan din ang vapor chamber cooling system para mapanatili ang tamang init ng telepono kahit sa heavy gaming at AI tasks.

mike jumanji

Web Admin
Used to be the man behind-the-scene in a local radio station in Calbayog City. Before he venture in broadcasting, he then served as the traffic secretary of RMN-DYCC in Calbayog City and was recruited by his mentor, now the owner of IR Calbayog, Mr. Ricky Brozas —to try the board works. He is currently the Content Strategist and Web Master of ircalbayog.com vis-a-vis with various corporations based in Dubai, UAE.