25 July 2025
Calbayog City
Business

Interest Rates sa Calamity Loan, babawasan ng SSS

PLANO ng Social Security System (SSS) na tapyasan ang Interest Rate na kanilang ipinapataw sa Calamity Loans.

Sa statement, sinabi ng SSS na maglalabas sila ng Revised Calamity Loan Program (CLP) Guidelines, para tulungan ang mga miyembro sa mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity.

Inihayag ng State-Led Pension Fund na gagawin na lamang 7 Percent Per Annum ang Interest Rate ng Calamity Loans, mula sa kasalukuyang 10 percent.

Ayon kay SSS President and CEO Robert Joseph De Claro, ang naturang plano ay kasunod ng pagbaba sa Interest Rate sa Salary Loans na 8 Percent Per Annum mula sa dating 10 percent, na ipinatupad noong nakaraang buwan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).