UMAKYAT sa 3-month high ang Foreign Direct Investments (FDIs) noong October 2025, sa kabila ng pagbagsak nito ng halos 40% kumpara sa kaparehong buwan noong 2024.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang FDI Net Inflows noong Oktubre sa 642 million dollars, pinakamataas mula nang mai-record ang 1.21 billion dollars noong Hunyo.
Mas mataas din ito kumpara sa 320 million dollars noong Setyembre, subalit mas mababa ng 39.8% kumpara sa 1.0667 billion dollars noong October 2024.
Ang FDI ay ang pangunahing pinanggagalingan ng mga trabaho at kapital para sa lokal na ekonomiya.




