6 July 2025
Calbayog City
Local

Inflation sa Eastern Visayas noong Marso, pinakamababa simula 2019

BUMABA pa sa 1 percent ang inflation rate sa Eastern Visayas noong Marso mula sa 1.1 percent noong Pebrero.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamababang inflation rate na naitala sa rehiyon simula noong November 2019.

Sinabi ni psa Eastern Visayas Supervising Statistical Specialist Zonia Salazar, na ang pinakahuling pigura ay ika-apat sa pinakamababang inflation rate mula sa labimpitong rehiyon sa bansa noong Marso.

Tatlo naman mula sa anim na lalawigan sa Region 8 ang nakapagtala ng mas mataas na inflation rate, na kinabibilngan ng Eastern Samar; Biliran, at Northern Samar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).