Nakapagtala ang Eastern Visayas ng 4.3 percent na Inflation Rate noong Disyembre ng nakaraang taon, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 3.5 percent na nai-record noong Nobyembre at 4 percent noong Oktubre.
Ang uptrend sa regional rate noong nakaraang buwan ay bunsod ng tumaas na presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages.
Ang Inflation Rate sa food index ay lumobo sa 8.7 percent noong December mula sa 8 percent noong November 2023.
Nakadagdag din sa uptrend ang tumaas na presyo at bayarin sa furnishings, household equipment, routine household maintenance, at health services.