Bumagal ang inflation rate sa Eastern Visayas noong Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 3.5 percent ang inflation rate sa rehiyon noong nakaraang buwan mula sa 4 percent noong Oktubre.
Ang inflation rate sa Eastern Visayas ay ika-apat sa pinakamababa sa labimpitong rehiyon sa bansa, batay sa month-on-month record.
Sinabi ng PSA na ang pagbagal ng inflation noong nakaraang buwan ay bunsod ng bumabang presyo ng food at non-alcoholic beverages sa 7.7 percent mula sa 8.5 percent noong Oktubre.
Gayundin, sa transportation, information and communications, alcoholic beverages at tobacco, personal care, at miscellaneous goods and services.