6 August 2025
Calbayog City
Business

Inflation noong Hulyo, bumagal sa 0.9 percent

BUMAGAL ang Inflation ng bansa sa pinakamababa nitong lebel sa loob ng halos anim na taon noong Hulyo bunsod ng mas mabagal na pagtaas sa mga bayarin at pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa naturang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihayag ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa na ang Inflation Rate noong nakaraang buwan, ay bumagal sa 0.9% mula sa 1.4 noong Hunyo.

Ito ang pinakamabagal na Inflation simula noong October 2019, kung kailan naitala ang 0.6 percent.

Mas mabagal din ang Inflation Rate noong nakaraang buwan kumpara sa 4.4% noong July 2024.

Simula Enero hanggang Hulyo, nasa 1.7% ang National Average Rate, mas mababa pa rin sa Comfortable Inflation Rate Ceiling ng pamahalaan na 2 to 4 percent para sa taong 2025.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).