SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Indian Police ang leaders ng political party ni Tamil Actor Vijay, kasunod ng stampede sa kanyang rally na ikinasawi ng tatlumpu’t siyam na katao.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga nasawi ay mga bata at mahigit limampu ang mga nasugatan sa stampede noong Sabado sa Southern State ng Tamil Nadu, kung saan nangangampanya si Vijay para sa kanyang Tamilaga Vettri Kazhagam Party bago ang State Elections sa susunod na taon.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Inihayag ni Senior Police Official V. Selvaraj na ang pagsasampa ng kaso ng Tamil Nadu Police ay unang hakbang sa Potential Charges laban kina TVK Senior Leaders Bussy Anand, Nirmal Kumar, at V.P. Mathiyalagan.
Orihinal na humingi ng permiso ang TVK para sa pagtitipon ng nasa sampung libong katao subalit mahigit doble nito ang aktwal na bilang ng mga dumalo.
