MALAKI ang itinaas ng halaga ng Investment Commitments na inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang pitong buwan ng 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa statement, inihayag ng PEZA na inaprubahan nito ang 90.96 billion pesos na halaga ng Pledge para sa bago at Expansion Projects, simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Mas mataas ito ng isandaang porsyento kung ikukumpara sa 45.48 billion pesos na naitala sa unang pitong buwan ng 2024.
Sinabi ng Investment Promotion Agency na inaasahang makalilikha ang Approved Investments ng 35,874 Direct Filipino Jobs, na mas mataas ng 42.02 percent mula sa 25,259 jobs noong nakaraang taon.
Tinaya rin ng PEZA na lalago ng 24.37 percent ang Exports na papalo sa 2.003 billion dollars.
