15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Ina ng teenager na namaril sa isang eskwelahan sa Michigan, pinatawan ng guilty sa kasong manslaughter

michigan manslaughter

Guilty sa kasong  manslaughter ang hatol ng isang Michigan jury sa ina ng teenager na namaril ng apat na kaklase nito sa isang high school malapit sa Detroit.

Ito’y makaraang igiit ng prosecutors na responsable ang babae at ang asawa nito sa krimen, dahil binigyan nila ng baril ang kanilang anak at binalewala ang mga babala na may kinalaman sa karahasan.

Ang trial ni Jennifer Crumbley, kwarenta’y singko anyos, ay pinaniniwalaang  unang beses na haharap ang isang magulang sa kasong manslaughter sa US na nag-ugat sa pamamaril ng anak.

Nahaharap siya sa apat na counts ng involuntary manslaughter, na nangyari sa Oxford High School noong 2021.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *