SINIMULAN na ng Constitutional Court ng South Korea ang proceedings para sa impeachment ni President Yoon Suk Yeol, na sinuspinde sa kanyang posisyon bunsod ng martial law attempt.
Pinatalsik si Yoon sa parliamento noong sabado bunsod ng panandalian nitong pagpapatupad ng batas militar na naglagay sa South Korea sa worst political turmoil sa mga nakalipas na taon.
ALSO READ:
Iranian security chief, patay sa air strikes ng Israel
EU States, hindi palalawakin ang kanilang naval operations para ma-secure ang Strait of Hormuz
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Mayroong hanggang anim na buwan ang Constitutional Court para malaman kung pagtitibayin ang impeachment laban sa Presidente.
Dapat ding magkaroon ng eleksyon sa loob ng dalawang buwan kapag tuluyan itong pinatalsik si Yoon sa pwesto.
Nagsisilbi naman si Prime Minister Han Duck-Soo bilang Acting President ng South Korea.
