MAITUTURING ang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang pag-atake sa administrasyon.
Binigyang diin ng Malakanyang na ang ouster proceedings ay inaasahang makaaapekto hindi lamang sa punong ehekutibo, kundi maging sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na sa kabila nito ay iginagalang ng pangulo ang proseso at hindi ito makahahadlang sa trabaho nito para iangat ang buhay ng bawat Pilipino.
Idinagdag ni Castro na tama lang din ang pag-inhibit ng first son na si House Majority Leader Sandro Marcos, sa lahat ng impeachment proceedings laban sa kanyang ama.




