MALAKI ang magiging epekto sa 2028 Bid ni Vice President Sara Duterte kung makararating sa Senado ang impeachment complaint laban sa kaniya at maitutuloy ang impeachment trial.
Ayon kay Dating Senate President Franklin Drilon, naniniwala siyang hindi lamang “procedural” ang pinag-uusapan sa impeachment complaint laban sa bise presidente kundi “strategic” dahil matunog ang pangalan ni VP Sara sa 2028 Presidential Elections.
Dagdag ni Drilon bahagi ng campaign strategy ang hindi pagtatakda ng pagdinig noon ng Senado sa impeachment complaint laban kay VP Sara sa ilalim ng pamumuno noon ni Senator Chiz Escudero bilang senate president.
Ngayong si Senator Tito Sotto III na ang senate president sinabi ni Drilon na lumaki na ang posibilidad na matuloy ang impeachment trial.
Si Sotto kasi aniya ang nagsabi na kapag nakarating sa Senado ang reklamo ay agad magtatakda ng pagdinig ang mataas na kapulungan.




