NASA kustodiya na ng mga awtoridad si Yoon Suk Yeol, ang kauna-unahang sitting president sa South Korea na inaresto makaraang tawirin ng mga imbestigador ang mga barikada at barbed wires.
Ang animnapu’t apat na taong gulang na si Yoon ay iniimbestigahan sa kasunod ng biglaan nitong pag-de-deklara ng Martial Law noong Dec. 3 na naglagay sa bansa sa krisis.
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Na-impeach din si Yoon ng parliamento at sinuspinde, subalit tuluyan lamang itong mapatatalsik sa pwesto kung pagtitibayin ng constitutional court ang impeachment.
Gayunman, ang dramatic arrest kay Yoon ang nagtapos sa ilang linggong stand-off sa pagitan ng mga imbestigador at kanyang Presidential Security System.
