INIHALINTULAD ni Vice President Sara Duterte sa Zarzuela ang imbestigasyon ng gobyerno sa mga Ghost at maanomalyang Flood Control Projects.
Sinabi ni VP Sara na kung talagang gugustuhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay kayang kaya nitong tugunan ang problema sa loob lamang ng isang araw.
Kaduda-duda aniya kung bakit ngayon lang nagkaroon ng palabas na malaking imbestigasyon, na ang ibig sabihin ay mayroon na namang niluluto “behind the scenes” at hindi napapansin dahil nakatutok ang atensyon ng lahat sa Flood Control.
Para sa bise presidente, masyado na aniyang atrasado ang imbestigasyon dahil bago pa man ang termino ng kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte ay umiiral na ang Flood Control Corruption.
Gayunman, mas lumala pa aniya ang mga katiwalian ngayon.




