14 November 2025
Calbayog City
Province

Iloilo City LGU, tiniyak na mananagot ang nasa likod ng serye ng bomb threat sa lungsod

PINAIIMBESTIGAHAN na sa pulisya ang magkakasunod na bomb threat na natanggap ng mga paaralan sa Iloilo City.

Ayon kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas, unang binulabog ng bomb threat ang University of San Agustin – Sambag Campus araw ng Miyerkules at nasundan ito ng bomb threat sa Iloilo Science and Technology University umaga ng Huwebes. 

Hiniling ng alkalde kay Iloilo City Director Police Colonel Kim Legada na masusing imbestigahan at tukuyin kung sino ang nasa likod ng mga pananakot.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).