PINASISITA ni Senator Erwin Tulfo ang mga organizer ng FIVB Men’s Volleyball World Championship na ginaganap ngayon sa bansa.
Ayon kay Tulfo, ang Illegal Online Gambling Platform kasi na 1XBET ay kabilang sa mga Major Sponsor ng FIVB.
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Sa pagdinig hinikayat ni Tulfo na chairperson ng Senate Games and Amusement Committee ang Philippine National Police at ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang usapin.
Sinabi ni Tulfo na ilegal ang nasabing Online Gaming Platform at pagkatapos ay nakikita ang napakalaking karatula nito sa FIVB bilang Sponsor.
Ayon kay Tulfo magmimistula kasing kasabwat pa ang FIVB sa ilegal na operasyon ng naturang Online Gambling Platform.
Mainam ayon sa senador na kausapin muna ng NBI at PNP ang pamunuan ng liga dahil maaari namang hindi nila alam na ilegal ang operasyon ng 1XBET.
