Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP – Maritime Group ang halos 2,000 board feet ng Lawaan lumber sa Dolores, Eastern Samar.
Natyempuhan ng mga tauhan ng Mapanas Special Boat Crew ang iligal na operasyon ng pag-unload ng mga troso sa baybayin ng Dolores.
ALSO READ:
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Kahalagahan ng Laoang Islets sa ancient trade, binigyang-diin ng National Museum
Pagtatayo ng modernong public market sa Tacloban City, inaasahang sisimulan ngayong taon
Walang naipakitang kaukulang dokumento o permit ang apat na suspek na naaktuhang nagsasagawa ng pag-unload ng mga kahoy.
Inaresto ang nasabing mga suspek at dinala sa Mapanas Seaborne Command kasama ang mga masabat na lumber.
