MAY mga pangako noong 1986 EDSA People Power na hindi natugunan o nakamit ng mamamayan hanggang sa ngayon.
Ayon sa isang cultural anthropologist, bagaman naging matagumpay ang EDSA People Power 1 at nakamit ng bansa ang demokrasya, masasabi pa ring may mga isyu noon ang hindi pa rin natutugunan sa ngayon.
DFA, nagbabala sa paglalagay ng unauthorized stamps sa pasaporte
Chinese Embassy, hindi makikipagdayalogo kay Sen. Risa Hontiveros
Defense lawyer ni Dating Pangulong Duterte na si Nicholas Kaufman, tumatanggap ng P145M legal fee kada buwan
Dating Senador Trillanes, hahabulin ang mga nag-aakusang tumanggap siya ng pera mula kay Zaldy Co
Sa isang panayam, sinabi ni Prof. Nestor Castro na kabilang dito ang usapin sa kahirapan.
Sa kabila nito, sinabi ni Castro na hindi dapat maliitin ang tagumpay ng EDSA People Power dahil ito ang dahilan kung bakit malaya ang bawat mamamayan na ihayag ang kanilang saloobin pabor man o laban sa pamahalaan.
Samantala, umaasa si Castro na ang karanasan ng bansa sa EDSA People Power ay magagamit sa mga kasalukuyang problemang kinakaharap ng bansa, kabilang ang isyu sa talamak na korapsyon.
Ani Castro, kung mapapabilis ang paglutas sa isyu ng korapsyon, ay muling mabibigyan ng pag-asa ang taong-bayan.
