NAREKOBER ng Philippine Army nitong nakaraang weekend ang ilang armas na pag-aari ng New People’s Army (NPA), sa bulubunduking barangay ng Mahilum, sa bayan ng Hindang, sa Leyte.
Kabilang sa mga narekober ng mga sundalo ang isang M60 machine gun, isang M16 rifle, at isang M14 rifle.
Tri-City Specialty Justice Zone, ilulunsad ng JSCC sa Eastern Visayas para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata
Cebu-Calbayog Flights, binuksan ng PAL
NHA Eastern Visayas, nagtakda ng Condonation para sa mga delingkwenteng benepsiyaryo ng pabahay
DepEd, nanawagan ng mas mahigpit na seguridad matapos ang pamamaril sa 1 guro sa Leyte
Ang naturang hakbang ng militar ay bahagi ng pinaigting na operasyon upang tuluyan nang mapabagsak ang humihinang pwersa ng NPA sa rehiyon.
Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade, na ang pagkaka-diskubre sa mga armas ay resulta ng patuloy na dayalogo at konsultasyon sa mga dating rebelde.
Ito aniya upang matunton ang mga natitirang miyembro ng Island Committee Levox ng NPA na nag-o-operate sa mga kabundukan ng isla ng Leyte.
