Magkakaroon ng power interruptions sa ilang lugar na siniserbisyuhan ng SAMELCO Uno, ngayong Miyerkules at bukas.
Sa abiso ng kumpanya, mapuputol ang supply ng kuryente simula alas otso y medya ng umaga hanggang ala singko ng hapon.
Ngayong miyerkules, magsasagawa ng pagpapalit sa nasirang poste sa kahabaan ng Brgy. Rizal, distribution line clearing mula Pido Extension hanggang Cagboborac, pati na pagkakabit ng 50kva transformer.
Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ang Pido extension, Caballero, Rizal 1 hanggang diversion road, at Cagboborac.
Bukas naman ay magsasagawa ng distribution line clearing simula Guinbaoyan Norte hanggang Miko, at maaapektuhan nito ang Guinobayan Norte at Sur, Tapae, at Southern Wiko.