Ilang estudyante ang nilapatan ng lunas matapos makaranas ng hyperventilation at suffocation dahil sa ginamit na smoke bombs sa kasagsagan ng idinadaos na BU Hataw 2025.
Dinala sa library ng unibersidad ang mga naapektuhang estudyante at nilapatan ng lunas ng medical rescuers.
Sa ulat ng The Bicol Universitarian – ang official student publication ng Bicol University, ang colored smoke bombs ay nagdulot ng hirap sa sa paghinga ng mga estudyante.
Ginamit ang colored smoke bombs sa kasagsagan ng BU Hataw 2025 performance na nagresulta ng pagkakaroon ng makapal na usok sa venue.