MAKARARANAS ng power interruptions ang ilang bahagi ng Samar, ngayong araw, June 26 at bukas, June 27.
Ngayong Miyerkules at bukas, magkakaroon ng pagkaputol ng supply ng kuryente, ala sais hanggang ala syete ng umaga at ala singko ng hapon hanggang ala sais ng gabi sa San Agustin Substation.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Ala sais hanggang ala syete ng umaga at ala singko ng hapon hanggang ala sais ng gabi, ngayong araw, mawawalan din ng kuryente sa Paranas, Villareal at Catbalogan Substations.
Apektado nito ang SAMELCO I at SAMELCO II.
Ang power interruptions ay para bigyang daan ang preventive maintenance activities sa kahabaan ng Calbayog-Bliss 69 Kilovolt Line.
