MULING magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng Samar, sa araw ng linggo, Feb. 18.
Sa abiso ng Samelco Uno, itinakda ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang tatlumpung minutong power interruption sa pagitan ng ala singko ng hapon at ala sais ng gabi.

Ito ay para bigyang daan ang annual preventive maintenance ng 50mva power transformer ng Paranas Substation.
Dahil dito, maaapektuhan ang mga barangay sa kahabaan ng mga Munisipalidad ng Gandara, San Jorge, Matuguinao, Pagsanghan, at Sta. Margarita.