IKINABAHALA ng isang national security expert ang pagkaka-aresto ng umano’y Chinese Spies sa bansa, kasabay ng pagbibigay diin sa posibleng banta ng foreign intelligence operations na ang target ay mga sensitibong military information.
Ipinaliwanag ni Prof. Renato De Castro ng International Studies ng De La Salle University, na ang espionage ay hindi lamang basta pangangalap ng impormasyon.
2026 Budget ng DPWH, puno pa rin ng Kickback – Cong. Leviste
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Ang mga inarestong indibidwal ay nangongolekta umano ng mga impormasyon na may kaugnayan sa mga kampo militar at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Sinabi ni De Castro na ang naturang mga lokasyon ay may mahalagang papel kung ang pag-uusapan ay national security.
Binigyang diin din ng propesor na ang interest ng China sa Philippine Military Installations ay maiuugnay sa kanilang objective, partikular sa kanilang ambisyon sa Taiwan.