2 March 2026
Calbayog City
National

Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas

BINAWI ng Civil Society Organization na Tindig Pilipinas ang ikalawang impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa halip, sinabi ng grupo na susuportahan na lamang nito ang ikatlong impeachment complaint na naglalaman lang din naman ng parehong mga alegasyon at substantial evidence.

Ayon sa pahayag, sa pagsuporta nila sa ikatlong reklamo, inaasahang mas mapapalakas pa sa kaso at makararating sa impeachment court ng Senado.

Sinabi ng grupo na naniniwala silang kailangang maisulong ang impeachment process sa lalong madaling panahon. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).