INANUNSYO ng Malakanyang na tuluyan nang nakalaya ang labimpitong Pilipino na dinakip sa Qatar dahil sa pagtitipon nang walang permiso.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na tinutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pagbibigay ng tulong sa mga Pinoy, at ang resulta ay na-dismiss ang kanilang kaso.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Idinagdag ni Castro na personal na umapela si Pangulong Marcos sa Pamahalaan ng Qatar para mapalaya ang labimpitong Pilipino sa pamamagitan ni Qatari Ambassador to the Philippines Ahmed Saad Al-Homidi. Inihayag din ng palace official na nasa pagpapasya na ng mga pinalayang Pinoy kung nais nilang umuwi sa Pilipinas o patuloy na magtrabaho sa Qatar.