NAGLABAS na naman ang COMELEC ng Show Cause Order sa isang local candidate dahil sa discriminatory remarks, at sa pagkakataong ito ay may kinalaman sa panlilibak sa ibang lahi.
Inulan ng mga batikos si Incumbent Pasay City Councilor Editha “Wowee” Manguerra, na tumatakbong mayor sa 2025 Midterm Elections, matapos magkomento laban sa Indian Nationals sa isang campaign event.
Sa video na kumalat sa online, nangako si Manguerra na tatanggalin niya ang mga “Bumbay” lungsod, para mawala na ang amoy sibuyas na naiiwan sa Pasig Gen.
Sa Show Cause Order na inilabas kahapon, sinabi ng COMELEC na batay sa kanilang initial assessment, ang tinutukoy ng kandidato ay mga foreign student na nag-aaral at nag-i-intern sa Pasay City General Hospital.
Bagaman ang terminong “Bumbay” ay karaniwang ginagamit sa Pilipinas para tukuyin ang mga mayroong lahing Indian, ginagamit din ito sa panlalait ng ibang Pilipino.
Mayroong tatlong araw si Manguerra para tumugon sa alegasyon at magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat sampahan ng reklamo o disqualification petition dahil sa kanyang naging pahayag.