TINIYAK ng United Nations Food Agency na mananatili ang top priority status at funding para sa flagship school meals at food voucher program ng Pilipinas.
Sa kabila ito ng mga alinlangang dulot ng desisyon ni US President Donald Trump na i-freeze o putulin ang ayuda ng Amerika sa buong mundo.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ginawa ni World Food Program Regional Director for Asia and the Pacific Samir Wanmali, ang pagtiyak sa pulong nila ni Philippine Ambassador Neal Imperial sa sidelines ng first regular session ng WFP executive.
Ginanap ang meeting sa WFP headquarters sa Rome, kung saan Philippine envoy si Imperial. Naniniwala si Wanmali na minimal lang at maaring punan ng ibang donors ang kakapusan, na resulta ng aid cutbacks ni Trump para sa programa ng WFP.
