HINIMOK ng Department of Agriculture (DA) ang mga lokal na magsasaka ng kamatis na makipag-ugnayan para maidirekta ang kanilang produkto sa mga palengke sa gitna ng harvest season.
Kasunod ito ng pagbagsak ng farmgate prices ng kamatis sa apat na piso hanggang limang piso kada kilo sa ilang mga lugar.
Sinabi ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel De Mesa na maari nilang tulungan ang local farmers na i-market ang mga kamatis sa mga kalapit na palengke o kadiwa centers.
Maari rin aniyang humingi ng tulong ang mga magsasaka sa municipal agriculturists o DA regional field offices. Nanawagan din si De Mesa sa mga trader na huwag namang abusuhin ang mga lokal na magsasaka.