TUMANGGI ang Office of the Prosecutor (OTP) ng International Criminal Court na sagutin ang mga report sa umano’y arrest warrant na inisyu laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang inihayag ni National Union of Peoples’ Lawyers-National Capital Region Secretary-General, Atty. Kristina Conti, na ang ICC arrest warrants ay confidential at hiwalay itong ina-anunsyo sa publiko.
Sinabi ng ICC OTP Public Information Unit na mahalaga ang confidentiality sa kanilang trabaho at kinakailangan nilang protektahan ang integridad ng imbestigasyon. Ito anila ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biktima, testigo, at lahat ng mga nakakasalamuha ng kanilang opisina.