MAHIGIT sa apatnaraang participants ang inaasahang makikitakbo sa BIDA 1st Calbayog City Marathon 2024, sa Linggo, Sept. 1.
Tumanggap si Mayor Raymund “Monmon” Uy ng positibong update sa nalalapit na aktibidad na collaborative effort sa pagitan ng Wolverine Events, Runners United Calbayog, at Calbayog City Youth Development Office.
ALSO READ:
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Ang naturang event ay bilang suporta sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kung saan isinusulong ang healthy lifestyle at pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot.
Sa pulong ni Mayor Mon sa mga organizer, ipinaabot nito ang buong suporta sa marathon, at binigyang diin ang dedikasyon ng Calbayog City sa pag-promote ng health and fitness.
