NAGHAIN ng counter-affidavit si Ogie Diaz sa Cyberlibel Complaint na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo.
Sinabi ng abogado ni Diaz na si Atty. Regie Tongol, na naghain ang kanyang kliyente ng counter-charge na perjury with damages laban sa aktres sa Quezon City Regional Trial Court.
ALSO READ:
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Noong Mayo ay nagsampa si Bea ng tatlong magkakahiwalay na criminal cases para sa cyberlibel laban kina Ogie at Cristy Fermin, kasama ang kanilang co-hosts sa kani-kanilang online programs.
Sa kaparehong buwan ay nagbigay ng reaksyon ang talent manager at sinabi nitong tutugunan nito ang isyu sa tamang panahon.
Nag-ugat ang kaso sa naunang pagbubunyag ng mga naturang showbiz insiders tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque.
