Makakasama ni Sisi Rondina si Jia de Guzman bilang kinatawan ng Pilipinas sa Asian Volleyball Confederation Challenge (AVC) Challenge Cup for Women, na gaganapin simula May 22 hanggang 29, sa Rizal Memorial Coliseum, ayon sa Premier Volleyball League (PVL).
Si Rondina na nagsisilbing alas ng Choco Mucho at dating PVL MVP, ay kagagaling lamang mula sa championship series defeat sa 2024 All-Filipino Conference noong linggo.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Sinabi ng Choco Mucho Ace na hindi niya maaring tanggihan ang alok dahil Pilipinas ang kanyang dadalhin, at susulitin niya ang pagkakataon.
Pinangunahan ni Rondina ang Choco Mucho sa kanilang laban sa Big Dome sa game 2 ng finals, sa kanyang 31 points on 28 attacks, 2 blocks, at isang ace.
