NAGLABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ng dalawang proklamasyon para sa pagtatalaga ng bagong Economic Zones sa Tanauan City sa Batangas at sa Iloilo City sa lalawigan ng Iloilo.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1127, itinalaga ang apat na parcel ng lupa sa mga Barangay Pagaspas at Trapiche sa Tanauan City bilang bahagi ng umiiral na First Industrial Township-Special Economic Zone.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na saklaw ng expanded ecozone ang total land area na 55,859 square meters, na matatagpuan malapit sa CALABARZON Road at San Juan River.
Samantala, batay sa Proclamation No. 1128, iko-convert ang mga parcel ng lupa sa kahabaan ng Donato Pison Avenue sa Barangay San Rafael sa Distrito ng Mandurriao sa Iloilo City, bilang Atria Gardens na isang Information Technology Park.
Inihayag ng PCO na ang bubuksang Economic Zone sa Iloilo City ay may lawak na 48,589 square meters.




