LUMOBO ang Balance of Payments (BOP) Surplus ng Pilipinas noong Agosto, bunsod ng tumaas na Net Income ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa mga Investment sa ibang bansa.
Sa Preliminary Data mula sa BSP, umakyat sa 359 million dollars ang BOP Surplus noong ika-walong buwan mula sa 88 million dollars na naitala noong August 2024.
Ang BOP Position noong nakaraang buwan ay kabaliktaran ng 167-Million Dollar Deficit na nai-record noong Hulyo.
Samantala, simula Enero hanggang Agosto, nasa 5.379 billion dollars ang Deficit na kabaliktaran ng 1.592-Billion Dollar Surplus na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.