NASA China ngayon si Hungarian Prime Minister Viktor Orban kasunod ng pakikipagpulong para sa Potential Ukranian Peace Deal kay Russian President Vladimir Putin na ikinagalit ng ilang European Union Leaders.
Sinabi ni Orban sa kanyang X Account na siya ay nasa “Peace Mission 3.0.”
Ginawa ng Prime Minister ang hakbang sa pagsisimula ng Hungary na pamunuan ang EU ngayong buwan.
Makikipagpulong si Orban kay Chinese President Xi Jinping na kaalyado ng Russia, sa Diaoyutai State Guest House sa Beijing, kung saan kadalasang tinatanggap ang Senior Foreign Visitors.
Una nang nakipag-usap ang Hungarian Prime Minister kay Ukranian President Volodymyr Zelenskiy sa Kyiv at nagtungo rin sa Kremlin, na umani ng matinding pagbatikos mula sa kanyang mga kaalyado.