16 February 2026
Calbayog City
National

Human Rights Group humirit na ng arrest warrant laban kina Dela Rosa at Go; sitwasyon ng 2 senador, tatalakayin sa emergency caucus ng Senado

UMAPELA ang isang Human Rights Group sa International Criminal Court na maghain na ng arrest warrant laban kina Senator Bato Dela Rosa at Senator Bong Go at iba pang kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupong International Coalition for Human Rights in the Philippines, dapat agad nang kumilos ang tribunal dahil may panganib ng pagtakas, pananakot sa mga saksi at paninira ng ebidensya kung mananatiling nakalalaya ang mga kasabwat ng dating pangulo.

Si Senator Dela Rosa ay nananatiling no show sa senado simula nang umugong ang balitang may arrest warrant na ang ICC laban sa kaniya noong Nobyembre.

Habang si Senator Go naman ay itinanggi na ang paratang na sangkot siya sa mga insidente ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs.

Samantala, plano ng liderato ng senado na magpatawag ng emergency caucus para matalakay ang mga hakbang sakaling ipaaresto na ng International Criminal Court sina Senators Bong Go at Ronald Dela Rosa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).