Pinunan ng Ateneo Blue Eagles ang huling slot para sa final four ng UAAP Season 85 Men’s Basketball, matapos durugin ang Adamson Soaring Falcons sa score na 70-48.
Nakapagtala ang Ateneo guard na si Jared Brown ng 20 points, 4 rebounds, at 4 assists na siyang nagbaon sa Adamson.
Idinagdag ni Ateneo head coach Tab Baldwin na kung ang scoreboard ang pagbabasehan ay mukhang hindi mahirap ang naging laro, subalit inamin nito na ang laban ay hindi naging madali para sa koponan.
Samantala, makakaharap ng Ateneo bukas, Nov. 25 ang twice-to-beat team na University of the Philippines para sa semi finals ng season 85.