17 July 2024
Calbayog City
Overseas

Houthi Rebels ng Yemen ibinalik ng US sa kanilang listahan ng Global Terrorists

IBINALIK ng Amerika ang Houthi Rebels ng Yemen sa kanilang listahan ng global terrorist group bilang tugon sa kanilang sunod-sunod na pag-atake sa commercial ships sa Red Sea at Gulf of Aden. 

Sinabi ni Houthi Spokesman Mohammed Abdulsalam na hindi makaaapekto ang US designation sa kanilang operasyon, gaya ng pagsuporta sa Palestinians sa pamamagitan ng pag-atake sa mga barkong may kaugnayan sa Israel.

Ipinaliwanag naman ng US State Department na layunin ng designation  na magiging epektibo makalipas ang tatlumpung araw, na harangin ang pera at mga armas patungong Iran-Backed Militia.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *