Nadagdagan ang short-term foreign investments na lumabas ng bansa noong Hunyo, batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Umabot sa 27.26 million dollars ang net outflow ng transactions ng foreign investment na nai-rehistro sa BSP sa pamamagitan ng mga awtorisadong bangko.
ALSO READ:
GSIS, may alok na Emergency Loan para sa mga miyembrong apektado ng lindol sa Davao Oriental
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong Petrolyo, ipinatupad ngayong Martes
MSME Lending Program, inilunsad ng Landbank
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
Kabaliktaran ito ng 42.86-million dollar net inflow noong Mayo, maging sa 280,000-dollars inflow na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ang naturang foreign portfolio investments ay tinatawag ding “hot money” bunsod ng mabilis na pagpasok at paglabas ng pondo sa bansa.