13 February 2025
Calbayog City
Local

Hospitality sector sa Calbayog City, patuloy na palalakasin

hospitality

Ipinakita ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang suporta sa local hospitality industry sa pamamagitan ng pagdalo sa general assembly ng Calbayog Hotel and Restaurant Association (CHARA) na ginanap sa City Engineering Office.

Ang naturang event ang nagsilbing plataporma para i-welcome ang mga bagong halal na opisyal ng CHARA at upang bigyang diin ang commitment ng lungsod na alagaan ang umuunlad na tourism sector.

Sa ginanap na pagtitipon, pinasalamatan ni Mayor Mon ang mga miyembro sa kanilang dedikasyon sa industriya at sa aktibong partisipasyon sa event. Binigyang diin din ng alkalde ang mahalagang papel ng hospitality sector sa pag-unlad ng ekonomiya at sa pagsusulong sa Calbayog City bilang premier destination.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).