2 August 2025
Calbayog City
Tech

HONOR 400 Pro 5G, opisyal nang inilabas sa Pilipinas: High-end ang specs, presyong midrange

HONOR 400 Pro 5G displayed at GMA Gala 2025 event in the Philippines
Photo courtesy of Gadget Pilipinas / HONOR Philippines

Opisyal nang inilabas ngayong araw sa bansa ang HONOR 400 Pro 5G, ang pinakabagong smartphone mula sa HONOR Philippines. Ginanap ang launch kasabay ng GMA Gala 2025, kung saan ibinida ang bagong smartphone na may high-end na features pero mas abot-kaya ang halaga.

Ang HONOR 400 Pro 5G ay nagkakahalaga ng ₱32,999 para sa variant na may 12GB RAM at 512GB storage. Mula ngayong araw, available na ito online sa Shopee, Lazada, TikTok Shop, at pati na rin sa mga physical stores ng HONOR sa buong bansa. May tatlong kulay na pagpipilian: Tidal Blue, Luna Gray, at Midnight Black.

Gamit nito ang bagong Snapdragon 8 Gen 3 processor, kaya mabilis mag-open ng apps, smooth ang gaming, at hindi mabagal kahit maraming ginagamit na applications. Taglay din nito ang MagicOS 9.0 base sa Android 15, at may anim na taong software at security updates—swak para sa mga hindi palaging nagpapalit ng phone.

May 6.7-inch AMOLED screen ito na may 1.5K resolution at 120Hz refresh rate. Kahit pa nasa labas ka o nasa ilalim ng araw, malinaw at makulay pa rin ang display nito dahil kayang umabot ng hanggang 5,000 nits ang brightness. Bukod pa rito, may IP68/IP69 rating at drop protection kaya hindi ka agad kakabahan kung mabitawan mo man ito.

May tatlong camera sa likod:

  • 200MP main camera na may image stabilizer
  • 50MP telephoto lens para sa zoom shots
  • 12MP ultra-wide para sa group pictures o landscape shots

Sa harap naman, may 50MP selfie camera na malinaw kahit sa low light. May mga AI features din tulad ng Super Zoom, Film Mode, Magic Eraser, at iba pa para mas creative ang content mo.

May 6,000mAh na battery, kaya kahit heavy user ka, kayang tumagal ng isang araw o higit pa. Kung kailangan mo ng mabilisang charge, may 100W fast charging at 50W wireless charging. May reverse charging din kung gusto mong i-charge ang ibang device gamit ito.

Smart Features:

  • Kasama sa MagicOS 9 ang ilang AI-powered tools tulad ng:
  • Real-time na subtitle sa mga videos
  • AI writer na puwedeng makatulong sa paggawa ng text
  • Translation features at even fake content detection

Ayon sa mga tech reviewers, kabilang ang YugaTech, ang HONOR 400 Pro 5G ay kayang tapatan ang mga mas mahal na smartphones pagdating sa bilis, camera, at battery life. Kung naghahanap ka ng reliable na device para sa trabaho, content creation, o gaming, sulit ito sa presyo.

Mabibili na ito sa HONOR Philippines online stores sa Shopee, Lazada, o TikTok or sa malapit na HONOR store sa inyong lugar.

mike jumanji

Web Admin
Used to be the man behind-the-scene in a local radio station in Calbayog City. Before he venture in broadcasting, he then served as the traffic secretary of RMN-DYCC in Calbayog City and was recruited by his mentor, now the owner of IR Calbayog, Mr. Ricky Brozas —to try the board works. He is currently the Content Strategist and Web Master of ircalbayog.com vis-a-vis with various corporations based in Dubai, UAE.