HINIMOK ng hog raisers ang pamahalaan na ibalik ang mas mataas na pork tariffs.
Kasabay ito ng babala na ang pagtaas ng imports ay magdudulot ng oversupply sa merkado at magpapababa sa farmgate prices.
ALSO READ:
Sinabi ni Alfred ng, vice-chairman ng National Federation of Hog Farmers, na isinusulong nila na itaas ang pork tariffs pabalik sa 40% dahil ang mas mababang duties ay nagpapawalang saysay sa layunin nito at lubhang nakaaapekto sa local producers.
Ipinatupad ang mas mababang taripa noong 2021 para ma-stabilize ang presyo ng baboy matapos maapektuhan ng African Swine Fever (ASF) ang domestic supply.
Simula noon ay nanatili na sa 15% ang para sa in-quota at 25% para sa out-quota shipments.




